Sa huling usap natin, madami tayong gagawin sa farming. Sinisimulan na natin yung pag-lakad sa mga papel habang sa side nyo ni Tito El ay tuloy lang ang pag-training.
Mabuti na
lang at nakauwi kami bago nangyari ang hindi inaasahan. After 2 years, nakita
mo ang mga apo mo. Si Yuna na dalaginding na, si AJ na cute at makulit, at si
Allen na may may kakulitan na rin.
Di ako
nakauwi dahil wala akong pang-gas at pang-tollgate. Sorry Dad, tinry ko
talagang maka-recover, pero medyo na-late.
Pero
nakakatuwa nung nabalitaan kong masaya ka nung ibinalita ko sayong may trabaho
na uli ako. Nabawasan ang stress mo sa pag-iisip sa kalagayan namin. Magaan sa
pakiramdam kong malaman na kahit papano, napasaya ka ng balitang iyon. Di ko
lang nasabi na napasaya mo din ako nung pag-uwi namin ay binigyan mo ako ng
pera. Maliit na halaga pero sa sitwasyon namin noon, malaking tulong. Feeling
ko 1st sahod ko sa trabahong ginagawa natin. Feeling ko hindi
nasayang yung mga effort ko sa pag-edit edit, research at sa mga brainstorming
natin.
Yaan mo Dad,
susubukan kong ituloy yung mini-project natin. Bubwelo lang ako ng konti,
itutuloy ko yun. Tutulungan ko rin si Tito El sa kung anong maliit na bagay na
maitutulong ko para maituloy din yung sinimulan mo para sa mga farmers ng NE.
Gagawin ko yung makakaya ko para makapag-ambag sa Training Center natin.
![]() |
Bakod |
![]() |
Kitchen |
![]() |
Extra CR |
Yung mga plano mo rito sa bahay, eto ginagawa na - halos tapos na. Yung dagdag na CR na gusto mo at yung kitchen ok na. Itinutuloy ni Mommy. Tumutulong naman kami ni May sa gastusin kahit papano. Napalitan na rin namin iPad nya para di na nagha-hang sa mga video calls. Naghati-hati kami - ako, si May at si Iya. Proud moment ni Iya. Hahaha!
![]() |
![]() |
![]() |
Yung parking ok na rin, simentado na. Para sana sa binabalak mong bilhin na pickup. Sa ngayon, pickup ko muna, testing lang. Kasya naman. Hehehe.
![]() |
Parking |
Birthday mo
sa Monday, bukas namin ise-celebrate. Handa na rin yung inumin, as usual. Last
year ako ang hindi nakasali, pero this year ikaw naman ang wala. Sagot na kita,
ako na tatagay para sayo. Cheers, Dad!
No comments:
Post a Comment