Tuesday, November 3, 2009

Anticlimactic

Bad trip na bagyo to. Nung gabi pa lang, nagdedelikado na yung plano naming byahe pabalik sa Quezon para sa Undas. 8am na, malakas pa rin ang hangin at ulan kaya nag-decide ang aking mga in-laws na ipagpabukas ang biyahe. Pati yung mga relatives nila sa Mandaluyong, nag-cancel na rin. Kapag umuuwi or may family outing, dito sa Muntinlupa ang meeting place at ginagamit yung pampaseherong jeep ni Tatay at ni Tito July.

Bandang 10am, umaliwalas na. Tapos na ang bagyo. Biglaan na namang nag-desisyon na ituloy ang biyahe pauwi ng Quezon. 2pm ang alis. Hindi na makakasama ang taga-Mandaluyong kasi hindi sila aabot, so kaming mga taga-Muntinlupa lang. May konting oras pa kaya pumunta kami sa simenteryo kung saan nilibing ang baby daughter naming na si Sarah Victoria.

Yep, nagka-anak ako. Kaso lang premature, 8 months nung nakunan si misis. Sayang.

3pm na rin nung nakaalis kami sa bahay papuntang Quezon. Hindi naman masyadong traffic pero madami kasi kaming hinto kaya 8pm na yata kami nakarating dun. Isa sa mga hinituan namin yung tindahan ng bibingka. First time ko nakatikim ganitong klase ng bibingka. Iba yung luto eh, hindi yung tulad na nabibili natin sa gilid-gilid pag sumasapit ang Disyembre o yung nabibili natin tuwing simbang gabi. May buko filling sa loob, masarap naman, pero para sakin mas masarap kung medyo matamis pa ng konti. At lalong masarap kung bagong luto, tulad ng nabili naming, ang tagal din naming nakahinto, hinihintay namin maluto. Sulit naman ang paghihintay dahil masarap. Akala ko nga kung ano, habang ngumunguya ako tinanong ko pa kung anong tawag sa kinakain ko, sabi sakin, “Bibingka. Hindi mo ba alam ang bibingka?” Wehehe. Nag-attempt pa sana akong sumagot pero hindi na lang. Medyo napahiya ako ng bahagya. Haha.

Walang kuryente gawa nung bagyo. Sa bahay nila Tita Nida kami tumuloy, doon kami nag-hapunan – candle light! Hehe. Gutom na gutom ako. Hindi na kasi ako kumakain ng husto kapag bibyahe ng matagal. Nag-aalburuto kasi ang tyan ko at ayokong abutan sa daan, sobrang hassle yun. Sira na naman ang diet ko. Ginataang manok ang ulam pero ang nilantakan ko eh yung tuyo. Ang dami kong nakain. Pero as usual, “in and out.” Pagkatapos kumain, mayamaya ng konti, diretso sa kasilyas. Si Mac ang nag-bansag sakin ng “in and out” nung nag-outing kami noon-noon-noon (tagal na) kila Rickleng kasama sila Carol, Don, Mae, Eric, Margot, et al.

Pagtapos kumain, syempre tagayan blues. Hindi mawawala sa Quezon ang “barik”. Naka-dalawa’t kalahati kami ng Matador. Tamang tulog lang pero medyo nalasing din ako ng konti. Hindi ko na nga namalayan na pinalitan pala ni Nelia yung damit ko. Pag gising ko na lang nung umaga, nagtataka ako at iba na yung damit na suot ko. Tinanong ko sya kung paano nya nagawang palitan ang damit ko at kung ano pa ang ginawa nya sa akin nung gabing madilim na iyon habang wala akong ulirat dahil sa alak. Wahahaha! Para ka bang nagbabasa ng Xerex? Writer ako non eh…. JOKE!!! HAHAHAHA!

Maaga akong nagising. Siguro 6am yun, hindi ko lang napansin. Pero paikot-ikot lang ako dun, walang magawa eh. Natutulog pa si Nelia, wala akong maasar. Parang sya nga yung nalasing eh. 8am na siguro nung nagising sya… errr, nung ginising ko pala. Aburido tuloy nung umaga. Hehe.
1pm nung pumunta kami sa simenteryo. Doon nakalibing ang busong kapatid ni Nelia, si Nelson. 16 years old lang nung malunod sya sa dagat dito mismo sa Quezon sa isa sa mga summer outing nila.


This is now officially my favorite place here.


Nelia & niece, Yumi

4pm na nung umalis kami ng sementeryo. Pagdating uli sa bahay, kainan blues uli. Nagshooting-shooting kami ng basketball, palipas ng oras bago umuwi. Napagdesisyunan na umuwi na rin pabalik ng Manila nung araw na yon. Balak pa sana naming mag-beach uli, gaya nung huli naming pag-uwi dito sa Quezon pero parang nagkatamaran dahil pagod na rin ang karamihan. Mag-schedule na lang daw uli kami sa ibang araw para mas marami at mas masaya, kasi hindi nga nakasama yung Mandaluyong.


Jay-are and daughter, Yumi


Chacha-ble and the furball.

Brownout pa rin nung mga oras na yun kaya nasa labas lang kami habang hinihintay lumipas ang oras. Hindi rin agad kami bumyahe kasi mata-traffic lang kami kung sasabayan namin sa pag-uwi ang iba pang mga nagsipuntahan sa probinsya. 8pm na nung umalis kami doon, balak pa nga sana na 10pm pa umalis pero naiinip na si Lola, hehe, gusto nang umuwi.
Normal lang naman ang biyahe, wala naman kakaibang nangyari. Nag-attempt akong matulog pero hindi rin ako nakatulog. 11pm na nung nakarating kami sa bahay. Nakakapagod din pero masaya. Sana next time matuloy na yung beach. Hehe.

No comments: